Categories
Uncategorized

The Long and Winding Road – Pinoy Beatles Historian

To be honest, dati sawang sawa na ako sa The Long and Winding Road.

Iba ang pakiramdam ko pag naririnig ko ang kantang ito. Siguro dahil ang feeling ko, siesta time. Parang sya yung naririnig ko lagi pag matutulog na ako sa hapon noong bata pa ako.

Pero ngayon na pinag aralan ko ang kwento behind the song, mas na appreciate ko ang ganda at kwento ng isa sa mga Masterpiece ni Sir Paul McCartney.

Release Date and Chart Position

Ang TLWR ay ni-release sa US as a Single noong May 11, 1970….yes, sa US ni release ang kantang ito at hindi sa UK..

Bakit? Comment below kung alam mo kung bakit.. or Panoorin mo itong video hanggang dulo para malaman mo kung bakit..

Take note mga ka-beatles, ni-release ito ng May 11, 1970 kahit April 1970 (one month before that) ay nag announce na sila na break na ang Beatles, disbanded na., split na

Ganon pa man, nag number 1 pa rin ang The Long and Winding Road sa pop chart for 2 weeks at ito nga ang kanilang 20th (pang dalawampu) and final number one song.

Baka Di Mo Pa Alam…

Baka hindi mo pa alam, ang Title ng kanta at ang “Road” na sinasabi dito ni Sir Paul ay ang daan papunta sa kanyang farm house sa Scotland, ito ay ang High Park farm.

Kung i che-Check mo sa Google Maps or mas Maganda sa Google earth

, ang tawag sa road na yun ay B842..

ito ay isang 16 mile or mga 25 kilometer na hiway na … long… and winding.. along sa coast ng Kintyre papuntang Campbel-town na malapit sa High Park farm

Ang farm na ito ay binili ni Paul McCartney noong June 17 1966, isang araw bago ang kanyang 24th birthday..

Binili nya ito bilang isang bakasyunan pag kailangan nyang mag relax, malayo sa mga fans and hysteria ng beatlemania..

Ayon sa book ni Steve Turner, ang 200-acre na lupain na ito ay mahangin, or “windy” at madalas din daw umuulan…

kaya siguro naisama ni Sir Paul ang lyrics na … The wild and windy night… That the rain washed away

(napaka ganda ng lyrics no? 100% poetry turned to a song)

Overall, ang inspirasyon ng kantang ito ay ang ganda at katahimikan ng farm house ni Paul sa scotland.

Sinasabing dito sa farm na ito nasimulang i-compose ni Paul ang The Long and WInding road..

Sabi ni Paul “I just sat down at my piano in Scotland, started playing and came up with that song, imagining it would be done by someone like Ray Charles. I have always found inspiration in the calm beauty of Scotland and again it proved the place where I found inspiration.”

Kung di mo kilala si Ray Charles (hindi sya si professor X) isa syang American singer, songwriter, pianist, and composer…

kilala sya bilang “The Genius” dahil sa galing at husay nya sa music.

Sabi ni Sir Paul sa book na “Many Years From Now,”,

kahit ang style ng pagsulat at pagkanta ay ginaya nya kay Ray Charles, hindi pa rin nakuha ang style ni Ray..

Ang importante daw habang sinusulat nya yung kanta, ang nasa isip nya ay ang music at style ni Ray Charles….

At noong April 1971, gumawa din ng cover version si Ray Charles ng The Long and Winding Road sa kanyang album na “Volcanic Action Of My Soul”.

Maliban kay Ray Charles, isa pang mahusay na singer ang may connection sa TLaWR.. Ito ay si Tom Jones.. (Sex Bomb, sex bomb..)..

Ayon kay Tom Jones, nagkita sila ni Paul sa Scotch Of St. James’, isang club sa London (jeremey street)

ito ay noong Fall of 1969 (mga sept-nov) at tinanong or biniro nya ito kung kailan daw nya sya igagawa ng kanta.. Sabi ni Paul, ok sige..

Di nagtagal, ayon kay Tom Jones, binigay ni Paul ang The LOng…

Narecord na nga Beatles ang Let It Be album ng mga panahon na yun at kailangan na lang ayusin at i-overdub,,

subalit dahil nga sa mga problema at issue ng Beatles, hindi pa nila ito na release.. …………………….

At dahil ayaw siguro lng masayang ang isang magandang kanta, kaya ibibigay sana na lang sana ito ni Paul kay Tom Jones para i-record nya, pero sa isang condition,

Ang condition na., ito ang next single nyang ire-release…

Ayon naman kay Tom Jones, ng mga panahong iyon ay irerelease na nya ang kantang “Without Love”..

Kinausap nya ang management nya kung pwede pa nilang irecord at i-release ang TLWR, subalit impractical na daw at walang oras or kung anong dahilan, kaya di nila ito nagawa..

Naging number 5 naman sa chart ang Without Love… syempre, sayang dahil No.1 at classic ang TLandWR noong eventually na release ng 1970

Composition History

Around September 1968 base sa libro ni Mark Lewinson na “The Beatles Recording Sessions” at sa pagkaka alaala ni Alan Brown, isa sa mga sound enginners sa EMI (Abbey Road) Studios…

Nagsimulang i-rehease ni Paul ang kanta.. Ayon kay Alan Brown sabi nya..- “assisting Paul McCartney to quickly tape a demo version of ‘The Long And Winding Road’ at the grand piano in (EMI) Studio One, and then handing over the spool of tape to Paul,”

Ayon sa libro ni Mark Lewinson, mga September 19 1968 ito naganap..

Mga panahon na nagrerecording sila ng mga kanta para sa White Album sa EMI Studios One and Two.

Sumasang ayon naman ito sa kwento ni Alistair Taylor , ang office manager ng Apple records, na kilala sa tawag na “Mr. FixIt”

Dahil isang gabi, ayon sa libro ni George Gunby na “Hello Goodbye: The Story Of ‘Mr. Fixit.’”

Naghahanda na daw umuwi si Alistair dahil pagod na sya buong linggo at gustong gusto na nyang magpahinga ng weekend na iyon kasama ang kanyang asawa na si Leslie..

Nagpaalam na sya sa lahat.. Maliban kay Paul na wala sa room ng mga oras na iyon.,

Sa kanyang paghahanap., Nakita nya na may tao pa sa Studio One na nag pipiano..

Lumapit sya nakilala nya si Paul na tumutogtog at kumakanta ng bagong kanta..

Nakinig sya at nasaksihan nya ang unti unting pag buo ng kanta.. Ng melody , ng lyrics..

Nang huminto si Paul sa pagtugtog, lumapit si Alistair at sinabing napakaganda ng kino-compose nyang iyon..

(foreground – That is a beautiful, beautiful melody and fabulous words, Lesley would love that.’

Ngumiti si Paul at sinabing.. Di pa nya natatapos at isa pa lang idea.. . ‘It’s just an idea at this stage,’ he said. ‘For “just an idea” it’s sensational.’”)

Ang nakakatuwa dito mga Ka-Beatles, pina record ulit ni Paul sa engineer sa control room habang nandun si alistair.. Ang Engineer sa control room ay si Alan Brown.

Tahimik na pinalakpakan muli ni Alistair, nagpasalamat si Paul at pinauwi na nya si Alistair para amakapagpahinga..

Noong lunes na yun, nagkita sila sa EMI studio at binigyan ni Paul ng acetate record si Alistair at sinabing iyon ang recording nung nakaraang Friday at gusto nyang ibigay nya iyon kay Leslie, ang asawa ni Alistair.

.. Pinakita din nya kay Alistair na ginupit nya ang original recording tape..

Sabi ni Paul,ngayon ikaw lang ang tanging may kopya ng kantang yan sa buong mundo…

Nagulat at nagpasalamat si Alistair, sabay tanong.. Anong title ng kanta.. Sumagot si Paul, TLAWRO..

At dahil hindi pa nga tapos ang kanta, hindi ito napasama sa White Album.. At ipinakita nalang ni Paul sa group noong next project nila..

Un nga ang naging Let It Be album na narining na natin sa rehearsals ng January 1969..

Sa mga kwentong ito, masasabi natin na ang The LONG.. ay sinulat between September 1968 at January 26 1969.

Ang tanong, nasan na ang original and only copy ng first recording ng TLWR? Alam mo ba na nawawala ito.. Comment below kung magkano na kaya iyon kung ipapa auction?wow

Sa hindi pa rin nakaka alam.. Mas naunang na compose at nagawa ang mga kanta sa Let it Be album kesa sa Abbey Road..

Pero syempre, mas nauna ni-release ang Abbey Road, at sinundan ng Let It Be, kaya considered as last Studio Album ang Let It be, pero in reality, ang huli talaga nila ginawa ay ang Abbey Road..


SONG FACTS PA MORE…

Kung di mo pa alam, ang original Album name dapat ng Let It Be ay “Get Back” dahil ang original concept ng album is to “Get Back to our roots” -sabi nga ni Paul McCartney ..

Gusto nila (or si Paul) na bumalik sa original nilang ginagwa nung nag sisimula pa sila sa cavern, hamburg at yung iba pang mga gigs nila nung early 1960s…,

walang overdubs.. Basta jam lang.. , basta tugtog lang , at directso record…

Dahil sa The Long and Winding Road ay piano song at si Paul ang tumugtog ng piano, si John Lennon ang naatasang humawak ng 6 string bass..

Ito lamang ang kanta ng beatles na nag Bass si John Lennon at hindi nag guitar…

maraming mga comments at critiko ang nagsabi na hindi maganda ang pagkaka lapat ng bass lines or notes ni John at sabi pa ni Ian McDonaled sa kanyang libro na sinabotahe ni john ang kanta at maraming mali etc..

Pero syempre, medyo exaggerated si Ian McDonald dun, ganon talaga ang critiko.. Kung may mali man si John Lennon, isipin naman natin na hindi naman talaga sya bass player, rhythm guitarist sya.

Si George pa rin ang lead guitar, telecaster.. And si Ringo sa drums.. Ksama si Billy Preston sa electric piano or organ

Pero kung alam mong version ng TLandWR ay yung na nasa Let It Be album, napansin mo sana na hindi mo naririnig ang guitar ni geroge at drums ni ringo dahil natabuan ito ng overdub na orchestra na nilagay ni Phil Spector.. Na overdub or napatungan, basta di mo sila maririnig..

Bakit? Anong kwento dito?

Sino si Phil Spector?

Phil Spector –

Si Phil Spector ay isang American record producer, musician, at songwriter..

Kilala sya sa tinatawag na Wall of Sound, iyan ang kanyang style sa pag produce ng music..

Isa syang ma impluwensyang tao sa music industry. Kaya kilala sya ni John, ni George, Tina Turner, Righteous Brothers at iba pa..

Noong hindi natuloy ang “Get Back” project, pa pack up at na bodega ito, so hindi na ito tinapos..

at noong 1970 nga, ng malapit na malapit ng mag disband ang Beatles, pinatawag ni Allan Klein or ni John Lennon si Phil Spector para tignan ang mga recorded songs ng Get Back project para i-remix at tapusin..

At dahil kilala si Phil sa wall of sounds, sa pag produce ng thick orchestral music, dinagdagan ang mga kanta ng Beatles ng violins, cielo and choir..

At ang ngaing resulta ay ibang iba sa usual na record ng beatles..

At dahil hindi nakialam si Paul sa mixing ni Spector, hindi nya nagustuhan ang naging result at final version ng TLWR…

Pinigil ni Paul ma release ang Let It Be album subalit sa UK lang sya nagtagumpay.. Na release din ang TLWIN as sa single sa US noong May 11, 1970

at ngaing huling number 1 hit nga ito ng Beatles noong June 13, 1970 for 2 weeks.. Kahit technically, disbanded na ang Beatles ng April 1970.

Kung gusto mong marinig ang original na version ng mga kanta ng Let It Be album na walang mixing ni Phil Spector, check mo ang LET IT BE.. Naked.

Anyway.. Marami pang nangyari pagkatapos non.. Dinemanda pa ni sir Paul ang Beatles, john george ring and allan klein…

Kung gusto mo pang malaman ang mga sumunod na kwento, comment below at pag marami kayo, gawa pa tayo ng isa pang video..

Salamat mga ka beatles sa panoood.. Again, kung bago ka dito wag kalimutan mag LIKE and SUBSCRIbe.. Share mo na rin sa facebook para matuwa ang mga kaibigan mong beatle fans.

At kung naka abot ka hanggang dito sa dulo ng video.. Comment kung anong susunod na kanta ng beatles and gawan natin ng video.. What’s your favorite Beatles songs? Comment below..

See you on the next video.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *