Categories
General Information PCSO Lotto

Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) – History

Sa mga regular players ng PCSO Online Lotto, hindi nyo ba natatanong pa minsan minsan kung paano nga ba nag simula ang poborito nating charity game na online Lotto?

Ako, natanong ko sa sarili ko yan.. kaya naging curious ako, at ito ang nadiscover ko! Share ko sa yo, mabilis lang.. kung mayroon kang 5 minutes.. karagdagang kaalaman for the rest of your Life! Ready? Go!

Hello Mga kaibigan ako po si Eli ng ElizarPalad.com Show.. ito ang aking personal Youtube Channel pero dito ko rin ishi-share ang natutunan ko sa internet.. Gusto mo bang kumita online? Offline? Gusto mo ba may matutunan sa every video?

Naku dapat naka subscribe ka dito! Click Subscribe and that little Bell.

Ang Kauna Unahang Lottery sa Pilipinas

Sinasabing ang lottery ay mayroon na sa Pilipinas kahit noong panahon pa ng mga kastila. Matagal na yun!

1800s Philippine sweepstakes ticket
1895, 1896 and 1897 Lottery Tickets

Ayon sa kasaysayan, as early as 1833, nag ooperate ang isang uri ng lottery sa Pilipinas na pinapamalakad ng Empresa de Reales Loteria Espanolas de Filipinas, na may approval sa Gobyerno ng Espanya sa Pilipinas.

Ginawa nila ito para makalikom din ng pondo ng gobyerno.

Ayon din sa kasaysayan, sinasabing si Gat. Jose Rizal ay minsan na ding nanalo sa lottering ito..

Magkano ang napanlunan nya? Tumataginting na Php6,200!

Magkano ang Php6,200 sa pera ngayong 2019?

Please comment below kung alam mo ang equivalent na pera ngayon ng 6,200 noong 1892! (ask your lolo 🙂 )

prizes for lottery 1897
Prizes for the wining lottery tickets in 1897

Eto pa ang sabi ng kasaysayan.. Ang napanalunan ni Dr. Jose Rizal ay idi-nonate nya sa isang educational project!

Maaring yung ginawang ito ni Rizal ang nakapag pasimula sa lottery na gamiting ang pondo sa charitable at social welfare projects.

Noong panahon ng Philippine revolution, nahinto ang operation ng Loteria Espanolas de Filipinas

At noon lamang 1930 nang muling mapag usapan ang pagbabalik operasyon ng lotto.

At yun na nga, noong 1932, ang unang Sweepstake draw ay sinimulan muli ng gobyerno na ang layunin noon ay makalikom ng pondo para suportahan ang mga sports projects ng Philippine Amateur Athelic Federation or PAAF. Ang PAAF ang beneficiary ng unang draw ng Sweepstakes.

At dahil naging matagumpay ang PAAF Sweepstake, nagpasya ang Gobyerno na magsagawa pa ng ilang draws para naman sa Philippine Anti-Tuberculosis Society, na ngayon ay Philippine Tuborculosis Socety.

Ang Sweepstakes draw na ito ay pinangasiwaan na ng ahensyang tinawag noon na National Charity Sweepstakes.

Ang Bagong Sweepstakes Agency

Philippine Charity Sweepstakes Office

Naisip ng mga mambabatas ng Pilipinas na sa halip limitahan ang natutulungan ng Sweeptakes sa mga kabataan ng PAAF or sa paglaban sa TB, bakit hindi gawin ang Sweepstakes na source of funding para mas marami pa itong matulungan.

Kaya noong March 1935, isa sa mga unang batas na pinirmahan ni dating Pangulong Manuel Quezon ay itatag ang Philippine Charity Sweepstakes.

Ito ang pumalit sa naunang National Charity Sweepstakes.

Sa bagong batas na ito, pinapayagang umutang ang PCSO sa National Treasury ng Php250,000 nagagamitin ng ahensya sa daily operations at sa pag print ng ticket para sa draws.

At noong September 8, 1935, ginanap ang unang Sweepstake draw ng baong ahensyan PCSO.

Nabayaran ang utang sa loob ng 2 months at nagsimula ng kumita at makalikom ng pondo ang PCSO..

At dahil mas malaki na ang naging pondo ng PCSO, mas marami na rin ang natulungan at naging beneficiaries nito… ang ilan sa kanila noon ay:

  • Philippine Amateur Athletic Federation (PAAF),
  • the Philippine Tuberculosis Society (PTS),
  • the National Federation of Women’s Clubs,
  • the Association de Damas de Filipinas,
  • the Gota de Leche,
  • the Associate of Manila and the Provinces,
  • the Philippine Council of Boy Scouts of America,
  • the Asilo Para Invalidos de los Veteranos de la Revolucion,
  • the Child Welfare Center

at iba pang institutions and organizations na involved sa charitable work at health work, or yung mga organization na tumutulong mapabuti ang pamumuhay ng maralitang pinoy.

At sabi nga nila.. the rest is history.

THE LOTTO

Yan ang kwento kung saan nanggaling ang PCSO na kilala natin ngayon.

Ngayon punta naman tayo sa online Lotto.

Manual Monoling Morato former PCSO Chairman

Noong 1995, sa pamamalakad ni Chariman Manuel “Manoling” Morato, inilunsan ang kauna unahang On-Line Lottery sa Pilipinas.

Katulad ng ating Saligang Batas, ang online lotto ay katulad ng sa ginagamit sa America. Ganito ding online lotto ang mayroon sa Europe at Australia.

Masayang tinanggap at tinangkilik ng publiko ang bagong online lotto.

Marami mang naging di sang ayon sa online lotto at marami ang nagsabi na illegal ito, subalit ayon sa Supreme Court, ito ay legal.

Dahil sa tagumpay ng 6/42 lotto, marami pang lottery type games ang pinakilala ng PCSO kabilang na ang three-digit (3D), the four-digit (4D), six-digit (6D), the Mega Lotto 6/45 and the Super Lotto 6/49 games.

At ngayon nga, mayroon pa tayong Grand 6/55 and Ultra 6/58 lotto!

So ayan guys, yan ang super brief history ng ating paboritong charity game, ang Philippine online Lotto.

Salamat sa panonood at wag kalimutang mag subscribe and Like and click the bell.. para ma notify ka ng bagong video dito sa ElizarPalad.com

Ikaw, ano ang paborito mong online lottery game?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *