Categories
PCSO Lotto

PCSO Lotto Schedule: Paano Madaling Malaman

Kung regular player ka ng lotto, sigurado ako kabisado mo na ang PCSO lotto schedule ng lahat ng games!

Pero kung ikaw ay hindi regular na tumataya or first time na tumaya, eto ang reference para sayo para malaman mo ang lotto schedule ng mga PCSO games.

Kahit ako, nalilito pa rin ako sa mga schedule nila, pero eto ang tip para mas madali mong maalala kung anong araw ba binobola ang kahit anong games ng PCSO lotto.

May paliwanag ako sa blog post na ito patungkol sa PCSO lotto schedule pero kung gusto mo agad malaman ang schedule, may ginawa akong Table sa ibaba ng page for your reference…. Punta ka dun kung nag mamadali ka 🙂

Kung hindi naman… basa…

Digit Games Schedule

Pag sinabing digit games, kasama sa games na ito ang EZ2 (2 Digit), ang Swertres (3 Digit), ang 4 Digit Games at ang 6-Digit games.

EZ2 and Swertres

EZ2 Swertres lotto schedule

Walang problema sa EZ2 at Swertres dahil ang bolahan nila ay everyday. Daily ang laro nila, three (3) times a day. Isa sa umaga 11am, isa sa hapon 4pm at lahat na ng games sa gabi ng 9pm.

4 Digit and 6 Digit Games

Ang 4 Digit at 6 Digit games ay nilalaro 3x a week each. So ibig sabihin sa 7 days a week, one day lang walang game ang 4D and 6D.

Sunday. Every Sunday, walang games ang 4Digit at 6Digit.

With that said, ang 4 Digit ay nilalaro tuwing Monday, Wednesday at Friday or mas kilala ng mga Pinoy na MWF.

Para sa 6 Digit game, ang natitirang araw na Tuesday, Thursday at Saturday ang schedule na laro ng 6 Digit games or mas kilala ng mga Filipino na T-TH-S.

At syempre, every Sunday, wala po tayong Digit games na 4D at 6D subalit meron parin tayong EZ2 at Swertres, pati na ang national lottery games.

Mega Lotto 6/45 at Grand Lotto 6/55

Banggitin ko lang na ang mga nationwide 6-numbers lotto games ay nilalaro 3x a week.

Next nating pag usapan ang 6/45 at 6/55 games. Dahil pareho silang may “5” sa dulo, mas madalas natin silang pagsasamahin.. They are meant to be, sabi nga. 🙂

Sila ay 2 araw magkasama… Monday at Wednesday. Kaya masayang masaya sila tuwing Lunes at Miyerkules.

Yan ang first 2 days nilang schedule.. ang 3rd schedule nila ay Friday at Saturday… At dahil pinaghiwalay sila ng tadhana.. si Mega ay sa Friday at si Grand ay sa Saturday.

So ibig sabihin, sa mga araw ng Friday at Saturday, iba ang kanilang mga kasama.

National Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49

Kung ang 6/45 at 6/55 ay Monday at Wednesday, si 6/42 at 6/49 naman ay tuwing Tuesday at Thursday magkasama at tig-isa ng weekend.

Tulad ng nauna, ang 3rd day schedule nila ay pinaghiwalay ng tadhana.

Ang PCSO lotto schedule ng 6/42 ay may Saturday. Sa schedule na ito kasama nya ang 6/55 Grand Lotto.

At si 6/49 naman ay tuwing Sunday.

Ultra Lotto 6/58

Ang pinaka bagong PCSO lotto game sa lahat ay ang Ultra Lotto 6/58 game!

At dahil 3x a week ang PCSO schedule ng lahat ng games, ang 6/58 ay mayroon ding 3 days in a week ang bolahan!

Tuesday, Friday at Sunday ang schedule nya!

Iba-iba ang kasama. Sya ang pinaka maharot sa lahat ng games!

Tuesday kasama nya si 6/42 at 6/49

Friday kasama nya si 6/45

at Sunday ay si 6/49!

There you have it! The PCSO Lotto schedule of all games! Hope it made sense.. at least may konti tayong clue ng mga schedule nila

As promised, here is the tabular form of the PCSO lotto schedule for your reference:

PCSO Lotto schedule

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *