Categories
PCSO Lotto

Magkano Ang Lahat Lahat Na Puhunan sa PCSO Lotto Outlet Business

May ginawa akong isang blog post or Youtube video last week tungkol sa step by step procedure and requirements sa pag apply ng PCSO Lotto outlet.

You can read the whole article… or watch the video below the page 😀

As of this writing, mayroon syang 8,000 views at 160 Likes (and 3 thumbs down- booo!)

Maraming salamat sa lahat ng nanood at naka appreciate sa ginawa kong video on how to apply for a pcso lotto outlet!

Salamat talaga. Kumain ng oras yun. Sulit ang pagod.

Nakatanggap din ang youtube video na iyon ng 50 comments as of this writing.

Ang madalas itanong sa comment doon ay magkano daw ba ang kitaan sa lotto at kung magkano daw ang lahat lahat na magagastos nila kung mag apply sila ng Lotto outlet sa lugar nila.

Although nabanggit ko na sa video yung fees, But…

For this post, i-share ko sa inyo ang total na nagastos ko lahat lahat sa pag apply ng lotto outlet and ang mga recurring expenses like bills, pamasahe, food, salary.

‘Yung isang comment na, kung magkano ang possibleng kitaan sa lotto outlet, well, gawan natin ng separate post and computation and calculation.

Dahil syempre, iba iba naman talaga ang revenue ng PCSO lotto outlet.

The Fees

Unahin natin ang official fees na kailangan nating ibayad or bayaran mismo sa PCSO.

Application Fee

Una ay ang application fee. Ito ay Php2,500.

Magdo-download ka ng application form sa website ng PCSO. Pagkatapos mong fillup-an at makumpleto ang mga requirements sa pag apply ng lotto, pag sasama samahin mo sila ang isu-submit sa PCSO.

Doon mo na rin babayaran ang Php2,500 application fee. Hindi ito refundable. Ibig sabihin, kung hindi pumasa sa inspection ang proposed location ng lotto outlet mo, hindi mo na sya marerefund.

After mo kasi i-submit ang lahat ng requirements, ang next step is pupunta ang representative ng PCSO sa address ng proposed outlet mo for inspection.

Ibig sabihin, kailangan ma approve muna ang location mo bago ka magpagawa ng lotto outlet.

Wag ka muna magpapagawa or magpapa ayos ng outlet, dahil sayang naman yung magagastos mo kung di ka naman pala ma approvan.

100 meters, baha

Installation Fee

Once ma approvan ng PCSO, pwede mo nang ipagawa ang outlet mo. Kailangang naka ready na ang lahat bago dalhin ang terminal. Kailangan mo ring magbayad ng Php10,000 installation fee.

3rd party mag iiinstall , dapat settled na yung payment.

Ang hardware/terminal ay walang bayad, installation fee ang Php10,000. Marahil ay ipull out or kukunin nila ulit ang terminal pag nag decide ka na na ihinto ang lotto outlet mo.

Sasabihin ng taga PCSO ang mga technical requirements ng outlet. Dapat ay maka sunod ka sa mga kailangang ng PCSO para sa outlet mo tulad ng grounded electical, power outlet, electric breaker at iba pa.

Cash Bond or Surety Bond

Kasama sa procedure ng application ay ang cash bond worth Php500,000. Ito ay makukuha mong muli kung mag decide ka na istop ang operation ng outlet mo.

Optionally, kung wala kang Php500,000 for cash bond, or may ibang mas importante kang paggagamitan ng pera, pwede ka naman mag Surety bond through GSIS.

And surety bond ay Php13,000 every 2-years.

Unlike cash bond, hindi mo na sya makukuha.. syempre, insurance fee yan eh.

Miscellaneous Expenses on Application

At dahil i-share ko sayo ang total expenses ko, kasama sa gasto ko ay ang commute.

Gas and Toll Gate

Php500 per day for gasoline. Siguro naka 3-4 na balik ako sa Malolos Bulacan (provincial branch). Total is approx. Php2,000 for gas and toll gate fees.

Photo of Outlet and other things

Gumastos din ako ng around Php200 for photo printing. Isa sa mga requirement ng application ay picture ng front lotto outlet, kasama ang mga grounding, electrical socket, cabinets, panaflex, sign boards at iba pa.

Kailangan mong i print ang mga ito sa photo paper. Hindi tatanggapin ng PCSO ang picture na naka print sa ordinary bond paper.

Notary Public

Dito kayo pwede makatipid. Na fixer ako hehehe. napamahal.

Nagbayad ako ng isang Php200 and isang Php400 sa pag pa-notaryo ng paperl galing sa GSIS or yung application form ng Surety bond na isu-submit sa GSIS at ang application form na ibibigay sa PCSO.

The Outlet

After ma inspect ang location mo ng representative ng PCSO, gagawan nila ito ng report at isusubmit sa head office.

Mag iintay ka ng advise or tawag na manggagaling sa PCSO kung approve na ang outlet location mo at i-advice ka nila kung pwede ka ng mag paayos ng outlet.

Tulad ng nabanggit na before, may mga certain requirement and look ang bawat lotto outlet na dapat mong masunod.

Unang una syempre ang yellow, red blue theme. Don’t worry, lahat ng yan ay sasabihin at ipapaliwanag ng PCSO.

Ang nagastos ko sa outlet ko ay ang table mismo kung saan ilalagay ang terminal, cabinet, electrical, electrician, tarpaulin, panaflex (ligthed PCSO signage), white board, markers, at iba pang signage ng PCSO.

  • Wood, nails, paste and others – Php4000
  • Electrical supplies Php1500
  • Service/Labor Php2000
  • Paints etc – Php1000
  • Panaflex – Php2000
  • Tarps – Php1000
  • Stickers – Php200
  • Whiteboards – Php500-700
  • probably others

Recurring Expenses

Ang lahat ng nabanggit above ay mga one-time expenses kung mag apply ka ng PCSO lotto agent.

Syempre once na setup na at online ka na, may mga recurring monthly or weekly expenses ka na – salary, commute, utilities at iba pang business overhead.

  • Teller Salary – Php4,000-Php5000 monthly
  • Lease: Php2,000-Php3,000
  • Electricity – Varies, approx Php200-500?
  • Remittance to PCSO expenses weekly/commute/food – Php500 per week – Php2000/month

Total Expenses:

Fees:
Php2,500 + Php10,000 + Php13000 = Php25,500

Miscellaneous (Gas, Toll gates, Notary, Picture printing)
Php2000+Php1000+Php200 = Php3,200

Outlet construction (wood, service etc)
Php4,000+Php3500+Php1000 = Php8500

Miscellaneous (Tarps, signage, stickers, panaflex etc)
Php2000+Php1000+Php300+Php700 = Php4,000

One time expense – Total is approximately: Php42,000**

Recurring expenses would be approximately: Php10,500 per month.

That’s it.

Rough and approximate numbers po.

So in general, pwede tayong mag ready ng Php100,000 for a 5-6 months operations kung may nirerentahan kang pwesto.

Php50,000 of 100k is for the application and construction ng outlet and the other half ay para sa operational expenses.

Thanks po sa pagbisita. Sana ay nakatulong ang post na ito sa inyo na nagbabalak mag apply at magsimula ng PCSO lotto outlet.

Comment below kung nakapag apply na kayo at magkano ang total na nagastos nyo. Or kung mag apply pa lang kayo, comment below if you have any question.

Thanks, ang God Bless!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *